Ano nga ba ang kababalaghan tungkol ibon na pag aari daw ng isang aswang?

Ako po si ben o dodong tawag sa akin. Nakatira po ako sa Brgy. Abaca, Cataingan masbate. Ang kwentong kababalaghan na ito ay ang karanasan ng papa ko doon sa amin sa brgy abaca. Sa ngayon po kasi nandito na po ako naka tira sa lapu lapu city, cebu at hindi narin kami doon nakatira sa brgy abaca, kasi lumipat na po kami noong 2004 sa brgy sta. teresita, cataingan masbate. ang brgy sta. teresita po ay nasa main road lang siya pero yong brgy. abaca na tinitirahan namin noon ay malayo po. Yong kapit bahay din namin ay malayo din, nasa 1000 meters yong distance ng bahay ng tiyuhin ko at pinsan ko. naisipan ko pong gumawa ng blog tungkol sa mga kababalaghan na totong naranasan ko. Nangyari po ito taong 1998 kung hindi ako nagkamali nong  El NiƱo nasa month of april siya.

Ganito kasi ang nagyari non kasi nga elninyo, pahirapan po ang tubig sa balon namin na malayo din sa bahay namin. Ang layo nasa 3500 meters ata at nasa malapit sa ilog.


Magsasaka po ang aming hanap buhay kaya sa araw na yon pagod yong tatay ko at hindi na kami nakapag igib ng tubig kasi naka pila po ang mag iigib kaya sabi ng tatay ko matolog nalang tayo.

Kaya na tolog na po kami at sa probinsiya talaga na malayo yong mga bahay at malapit sa mga bundok at punong kahoy. Marami pong mga maririnig sa gabi na ingay o yong tinatawag na tiktik o aswang na ang tonog naman ng aswang ay wak, wak, wak. Natolog na kami non at gumising ang tatay ko 3am para mag igib ng tubig.

Parang ganito po yong balon namin e drawing ko po at pagpasinsiyahan niyo na kasi hirap po ako magdrawing sa photoshop.

Ganyan po siya, kasi sa province po kapag madaling araw na o kahit hindi pa, kapag wala po talagang ibang ilaw na makikita. Maaninag po yong paligid kapag hindi po maulan. Kahit na wala kang ilaw may makikita ka parin pero parang itim lang lahat ng paningin mo. Pero makikita mo parin kung anong hugis niya hayop man o tao. 

At nakarinig ang tatay ko ng tonog ng aswang na nasa malayo pa, na sabi wak wak wak.
Ang tonog ng aswang ay palapit na papalapit sa kanya kaya naisip niya maghanda kasi may dala po siyang itak. At gayon na nga malapit na malapit na ang tonog ng aswang sa kanya at napatingala siya bigla kasi narinig niyang nasa itaas lumilipad na akala niya makikita niyang tao na lumilipad. At baka anong gawin nito sa kanya. Pero nong nakita na niya isang ibon lang daw ito.
Kaya hindi nalang po ito pinansin ng tatay ko basta ang nakita niya lang isang ibon maitim daw, pero gabi din kasi yon. Yong huni ng ibon ay wak, wak, wak, na kadalasan namang naririnig sa probinsiya na tinatawag na wak wak sa amin sa masbate o aswang.

Kaya nong maka uwi na ang tatay ko na ikwento nalang po niya ito sa amin nong magising na kami kinaumagahan at sabi niya ibon lang pala ang aswang o wak wak. Tapos sabi naman ng lola ko at ng ibang tao doon sa amin na ang ibon daw na yon ay pag aari ng isang aswang.

Dito na po nagtapos ang maikling kwentong ito. Pag pasinsiyahan niyo na kung medyo magulo ang pagka sulat ko,may mga wrong spelling man, kasi hindi po ako marunong magsulat. di rin po ako nakapag tapos. Gusto ko lang gawin ang blog na ito para maibahagi ang kwentong ito, at para hindi na po ma wala ito at ng mabasa din po sa mga susunod pang mga henerasyon ng kabataan at apo ko na di na makaranas sa buhay sa probinsiya dahil sa modernong mundo ngayon.

Hanggang sa susunod po at marami pa akong maikwento na karanasan namin at naging karanasan ko din.
Ano nga ba ang kababalaghan tungkol ibon na pag aari daw ng isang aswang? Ano nga ba ang kababalaghan tungkol ibon na pag aari daw ng isang aswang? Reviewed by FPJS Ang Probinsyano Advance Episode on October 12, 2017 Rating: 5